Information Drive para sa Proteksyon ng Kabataan, isinagawa sa Zamboanga del Norte
Isang mahalagang information drive ang isinagawa sa mga mag-aaral ng Ganase Elementary School, Brgy. Ganase, Liloy, Zamboanga del Norte noong Lunes, ika-28 ng Oktubre, 2024.
Ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 2nd Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Bill Fernando P. Jumalon, Officer-in-Charge, kung saan nagbigay ng mahalagang impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa mga sensitibong isyu tulad ng mga batang sangkot sa batas, panggagahasa, at iba pang uri ng pang-aabusong sekswal.
Sa pamamagitan ng ganitong klaseng programa, inaasahang magiging mas matatag at maingat ang mga kabataan sa pagharap sa mga pagsubok ng kanilang kapaligiran, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kaligtasan at kapakanan.