Mga mag-aaral, nakilahok sa Symposium Activity sa Negros Oriental
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa Symposium Activity na ginanap sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental, noong ika-9 ng Nobyembre 2024.
Ang Aktibidad ay pinangunahan ng Guihulngan City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronnie M Failoga, Chief of Police.
Ipinahayag sa mga kalahok ang paksa tungkol sa Anti-Terrorism at International Humanitarian Law at dito ay hinuhubog ang mga kabataan na maging handa at maging katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo sa mga banta ng terorismo at sa pagtataguyod ng makatarungan at mapayapang lipunan.
Ang pagsasanib-puwersa ng kabataan at awtoridad sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay nagbibigay-daan sa pagtataguyod ng isang makabagong sistema ng katarungan at kapayapaan, kung saan ang bawat Pilipino ay ligtas, may respeto sa batas, at may pagkakaisa sa pagbuo ng isang mas maunlad na bansa.