Traffic Stakeholders Summit, isinagawa sa Cotabato City

Matagumpay na isinagawa ang Traffic Stakeholders Summit sa Pagana Kutawato Restaurant, Cotabato City nito lamang ika-9 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad na may temang “Maayos at Ligtas na Implementasyon ng Tapiko Para sa Lahat” ay pinangunahan ng Local Government Unit ng nasabing munisipalidad katuwang ang Cotabato City Police Office sa pangunguna ni Police Colonel Michael John C Mangahis, Officer-In-Charge. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang usaping trapiko sa syudad at naglalayong itaguyod ang pagtutulungan, inobasyon, at pagbuo ng mga solusyon para sa pangmatagalang transportasyon.

Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyu ng trapiko, kaligtasan, at kalikasan, nakakatulong sila sa pagtatatag ng mas matalino, mas ligtas, at mas pangmatagalang mga lungsod para sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *