Advocacy Support Group, nakiisa sa Barangay Assembly sa Batangas City

Nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Barangay Assembly sa Barangay Pallocan West, Batangas City nito lamang Nobyembre 9, 2024.

Isinagawa ang Barangay Assembly Day na may Temang: “Barangay Discussion: Active Community Discussion Towards a Vibrant and Developed New Philippines,” na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Brgy. Pallocan at ng PCR ng Batangas CCPS.

Nagkaroon din ng pamamahagi ng relief packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyo. Ang aktibidad ay nakatuon sa mga pangunahing isyu ng barangay at sa mga pamamaraan upang malutas ang mga ito.

Ang ganitong uri ng pakikipag-ugnayan sa komunidad ay naglalayong patuloy na magtulungan ang komunidad at mga ahensya upang makamit ang isang ligtas at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *