BPATs Training, isinagawa sa South Cotabato

Nagsagawa ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Training na ginanap sa sa Brgy. Tinongcop, Tantangan, South Cotabato noong ika-11 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Peacekeeping Security Officers (BPSOs) at mga opisyales ng barangay, na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad. Sa pangunguna ng mga tauhan ng Tantantangan Municipal Police Station na tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Crime Prevention Tips at Safe Arrest.

Ang layunin ng mga talakayang ito ay sanayin ang mga miyembro ng BPATs upang maging epektibong tagapangalaga ng kanilang nasasakupan.

Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pag aresto ang mga miyembro ng BPATs ng kakayahang makilala ang mga potensyal na banta, sugpuin ang sinumang lalabag o may pananagutan sa batas.

Ang mga BPATs ay magiging pangunahing katuwang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtutulungan para sa pagbuo ng isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa lahat ng residente ng barangay.

Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas matibay na samahan at mas maayos na pamumuhay para sa mga mamamayan.

Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *