Information Awareness Symposium, isinagawa sa Tabaco City Albay

Isinagawa ang isang makabuluhang Information Awareness Symposium sa Carolyna Institute of Technology, Inc., Brgy. Tagas, Tabaco City noong ika-12 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa nasabing institusyon at layuning palawakin ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa mga isyung may kinalaman sa ilegal na droga at terorismo.

Ito ay inisyatiba ng mga opisyal mula sa RPCADU 5 at PDEG-SOU5, sa pangunguna ni PSSg Mercolito P. Lovendino Jr., Public Information PNCO. Ang aktibidad ay may temang “United Against Shadow: The Anti-Illegal Drugs and Anti-Terrorism Symposium.”

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, tinalakay ang mga seryosong epekto ng ilegal na droga at ang mga panganib ng terorismo sa ating lipunan.

Ang layunin ng aktibidad ay hindi lamang upang magbigay kaalaman, kundi upang mag-ambag sa pagpapaigting ng kamalayan sa mga kabataan, na siyang may mahalagang papel sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Nagbigay-diin din ang mga tagapagsalita sa kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng impormasyon, at ang papel ng bawat isa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon laban sa mga banta sa ating kaligtasan at seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *