KKDAT Symposium, isinagawa sa Tacloban City

0
462545286_1085346153265410_2703868980562534617_n

Matagumpay na naisakatuparan ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Symposium sa mga estudyante ng Northern Tacloban City National High School sa Brgy. Kawayan, Tacloban City, nito lamang Nobyembre 11, 2024. Ang aktibidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion sa pamumuno ni Police Major Marval S Diaz, Acting Company Commander, kasama si Ms. Keena M. Mate, Epidemiology at Surveillance Officer, na dinaluhan ng mga guro at estudyante ng nasabing paaralan. Ang mga paksang tinalakay ay Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Teenage Pregnancy. Ang mga paksa ay nagbabanta sa kapayapaan at seguridad, ang pagtuturo sa mga komunidad kung paano kilalanin at tugunan ang mga hamon ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at payapang lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *