BPATs, nakiisa sa Pinalakas na Presensya ng Kapulisan sa Tabuk City para sa Kaligtasan ng Publiko
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station, katuwang ang mga barangay tanod at BPATs. Layunin ng inisyatibong ito na agarang makaresponde sa mga emerhensiya at masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Ang pagtutulungan ng kapulisan at ng mga tanod sa barangay ay nagpapatibay sa kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad sa pagpapanatili ng seguridad.
Ang kanilang presensya ay nagsisilbing panlaban sa kriminalidad at patunay ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng komunidad.
Hinihikayat ng Tabuk City Police Station ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.