BPATs, nakiisa sa tulong seguridad sa Surigao del Sur

Nakiisa sa tulong seguridad ang Barangay Peacekeeping Action Team kasama ang mga tauhan ng Bacuag Municipal Police Station (MPS) pagbinigay seguridad sa bayan sa naganap na lingguhang “Tabo Sa Barangay” noong Nobyembre 13, 2024 sa Pamilihang Bayan ng Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programang LIGTAS Caraga, isang inisyatiba na naglalayong palakasin ang mga hakbang sa seguridad upang makamit ang mas epektibo at episyenteng estratehiya sa pagpigil sa krimen.

Ang presensya ng pulisya at BPATs ay nagsilbing mahalagang sangkap sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamilihan, partikular sa mga araw ng “Tabo,” kung saan dumarami ang mga tao at nagiging mas masigla ang kalakalan sa lugar.

Sa tulong ng BPATs, maayos na naidaos ang pag-aayos ng daloy ng trapiko sa paligid ng pamilihan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili at nagtitinda.

Layunin ng kanilang presensya na bigyan ng kapanatagan ang komunidad at maiwasan ang anumang insidente ng krimen sa mga pampublikong pook gaya ng pamilihan.

Ang matagumpay na aktibidad na ito ay patunay ng pagkakaisa ng PNP at BPATs upang matiyak ang seguridad ng mga residente ng Bacuag, lalo na sa mga panahon ng pagtitipon tulad ng “Tabo Sa Barangay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *