Mga magulang , nakiisa sa Monthly Family Development Session at Awareness Campaign sa Bohol
Aktibong nakiisa ang mga magulang sa Awareness Campaign na ginanap sa Soom Covered Court, Barangay Soom, Trinidad, Bohol noong ika-12 ng Nobyembre 2024. Ito ay pinangunahan ng Trinidad Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Waldo S Batad, OIC.
Nilalayon ng aktibidad na ito na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa mga batas tulad ng RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) at Municipal Ordinance No. 9, Series of 2008, na nagtatakda ng curfew hours.
Ang kampanyang ito ay may layunin na magtatag ng mas malalim na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman at pagbibigay-boses sa mga residente, layunin nitong gawing mas ligtas, mas maalam, at mas nagkakaisang komunidad ang Trinidad.
Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay sumasalamin sa diwa ng Bagong Pilipinas, kung saan ang kapulisan at mamamayan ay magkasamang nagkakaisa para sa kaunlaran at kapayapaan ng bansa.