Medical Outreach Program, nilahukan ng BPATs sa GenSan

Nakiisa sa isinagawang Medical Outreach Program ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na ginanap sa Gymnasium, Brgy. Lagao, General Santos City nito lamang Nobyembre 13, 2024.

Ang naturang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng LGU Lagao sa pamumuno ni Hon Mayor Zyrex C Pacquiao at Gobernador Rogelio “Ruel” D Pacquiao, at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region XII kasama ang DILG Tri Bureau, Team Health Service, na pinangunahan nina PLTCOL Marie Toni Joy P Dickson, OIC, RMDU 12 together with PMAJ Joferdy G Padillo, Chief Dental Section, PCPT Giselle A Noroña, Medical officer, PLT Mario C RodrigUEZ JR, Nurse Officer, PLT Marlon R Medes and PLT Rian Nepomuceno.

Layunin ng aktibidad na nakapagbigay serbisyo tulad ng pagbibigay ng Laboratoryo, Konsulta at Libreng Gamot.

Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang na tunay ang malasakit sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan at isa din itong paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad para sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *