Mga mag-aaral at guro sa Jose Abad, nakiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2024
Nakiisa ang mag-aaral at guro ng Jose Abad Santos, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama ang mga katuwang na ahensya tulad ng Jas Municipal Police Station, Jose Abad Santos Fire Station, Philippine Army at North Jas Coast Guard Sub-Station ang isinagawang Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill(NSED) nito lamang ika-13 ng Nobyembre, 2024.
Ang mga paaralan tulad ng San Felipe Elementary School at Tabayon National High School ay nagsilbing aktibong kalahok sa drill, na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon at paghahanda sa mga kabataan at guro.
Ang kanilang pakikilahok ay hindi lamang nagpapalawak ng kamalayan sa disaster preparedness, kundi ito rin ay nagsisilbing modelo ng komunidad kung paano magsanib-puwersa sa mga pagsasanay upang maging handa sa kalamidad.
Ang aktibidad na ito ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng ating komunidad at makapagbuo ng kultura ng kaligtasan at resilensya.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga lokal na ahensya at mga paaralan, tiyak na magiging handa ang Jose Abad Santos sa anumang kalamidad na maaaring dumating.