Nakiisa ang mga mag-aaral ng North Hill Arbours Integrated School sa isinagawang Anti-Bullying Symposium sa Tacloban City nito lamang ika-14 ng Nobyambre 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Major Marval S Diaz, Acting Company Commander na dinaluhan ng guro at mag-aaral na Grade 7 at 8 ng nasabing paaralan.
Ang symposium ay hindi lamang nagbigay ng impormasyon kundi nagsilbing pagkakataon para sa mga estudyante na talakayin ang mga isyung ito at makakuha ng mga kasangkapan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kapakanan.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral sa mga kahihinatnan ng bullying, hikayatin ang paggalang at pag-unawa sa mga kasamahan, at bigyan ng kapangyarihan ang mga mag-aaral na manindigan laban sa bullying.