Barangay Advocacy Support Groups at mga Kabataan, nakiisa sa symposium sa Tuguegarao City
Nakiisa ang Barangay Advocacy Support Groups, kabataan, mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK), at Barangay Officials ng Barangay Namabbalan Norte sa isinagawang symposium na pinangunahan ng PCP Libag, Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office noong Nobyembre 16, 2024.
Nakatuon ang talakayan hinggil sa Road Safety at tamang pagpapatupad ng Curfew Hour upang palakasin ang kamalayan ng komunidad ukol sa kaligtasan sa kalsada at pagbabantay sa oras ng curfew, bilang hakbang upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen sa nasabing lugar.
Pinuri ng kapulisan ang kooperasyon ng mga kabataan at SK officials na aktibong nakilahok sa aktibidad, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagtulong sa pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Ang ganitong talakayan ay nagbigay ng pagkakataon sa mga residente na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mas lalo pang maintindihan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyon.
Ayon sa mga kalahok, malaking tulong ang ganitong aktibidad upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at mapanatili ang ligtas at mapayapang komunidad.