Joint Outreach Program, isinagawa sa Laguna

Nagsagawa ng joint outreach program ang mga tauhan ng RMFB-CURAO Team kasama ang Advocacy Support Group na ginanap sa Barangay Sampiruhan, Lungsod ng Calamba, Laguna, 9:00 ng umaga noong ika-16 ng Nobyembre 2024.

Dumalo ang nasa 50 pamilya na nakatanggap ng grocery packs, pamamahagi ng lugaw at nagkaroon ng Puppet Show para sa mga bata na siya namang ikinatuwa at pinasalamatan ng naturang benepisyaryo. Layunin ng gawaing ito na maipadama sa ating mga kababayan ang diwa ng pagbibigayan at malasakit sa kapwa lalo na sa mga lubos na nangagailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *