BPATs Licuan-Baay Chapter, nakiisa sa Re-Orientation Training

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Barangay Peace Action Teams-Baay Chapter sa isinagawang Re-Orientation and Training sa So. Baquero, Licuan-Baay, Abra nito lamang ika-19 ng Nobyembre, 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Licuan-Baay Municipal Police Station, katuwang ang mga opisyales at miyembro ng LGU, mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC), Barangay Councils for the Protection of Children (BCPC), Barangay Local Committees on Anti-Trafficking Violence Against Women and their Children (BLCAT-VAWC) at Barangay Peace Action Teams- Licuan-Baay Chapter.

Matagumpay na naibahagi ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga lokal na pinuno sa pamamagitan ng wastong oryentasyon at pagpapaunlad ng mga kasanayan upang mapahusay ang kanilang kapasidad na ipatupad ang mga programa at mga hakbangin na naglalayong itaguyod ang kapayapaan, kaligtasan, at pagkakaisa sa loob ng barangay.

Ang layunin ng inisyatiba na ito ay upang hikayatin ang mga Barangay Peace Action Teams na makibahagi sa pagsasanay upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, magpapaunlad ang isang mas ligtas at mas maayos na komunidad na naaayon sa programa ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *