Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Lebak, Sultan Kudarat
Matagumpay ang isinagawang Coastal Clean-Up Drive na ginanap dalampasigan ng Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat kahapon ika-19 ng Nobyembre 2024.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng Sultan Kudarat Maritime Police Station na pinangunahan ni Police Lieutenant Angel G Sangalang, katuwang ang Philippine Coastguard Lebak, MENRO Lebak at kasama ang mga opisyales at residente ng barangay Tibpuan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong bawasan ang dami ng basura na napupunta sa karagatan at para sa rehabilitasyon sa baybayin at proteksyon ng kapaligiran mula sa mga natural na sakuna tulad ng tsunami at baha sa ating komunidad.
May kabuuang 12 sako ng non-biodegradable na basura ang nakolekta at maayos na itinapon.
Ang programang ito ay naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng komunidad lalo na ang mga nakatira sa mga coastal areas na pangalagaan ang kapaligiran at bawasan ang mga paglabag sa environmental law.