Drug Awareness Symposium, isinagawa sa Consolatrix College
Nagsagawa ang mga kapulisan sa Toledo City Police Station ng Drug Awareness Symposium sa mga mag-aaral ng Consolatrix College, Toledo City, Cebu noong ika-20 ng Nobyembre 2024.
Layunin ng aktibidad na bigyan ang kabataan ng tamang impormasyon ukol sa mga panganib ng ilegal na droga at ang masamang epekto nito sa kalusugan, pamilya, at kinabukasan ng isang tao.
Hinikayat ang mga mag-aaral na maging mapanuri at huwag magpadala sa tukso ng maling landas na hatid ng ipinagbabawal na droga.
Binibigyang-diin nito na ang laban kontra droga ay hindi lamang tungkulin ng mga awtoridad, kundi responsibilidad ng bawat isa sa komunidad, lalo na ng kabataan, na siyang kinabukasan ng bayan.
Ang pakikiisa ng mga mag-aaral ay isang patunay na ang kabataan ay handang makibahagi sa pagtataguyod ng mas maayos na Pilipinas.