Information Awareness Symposium, isinagaw sa Polangui, Albay
Nagsagawa ng makabuluha ng Information Awareness Symposium sa mga estudyante ng Ponso National High School, Brgy. Ponso, Polangui, Albay nitong Nobyembre 19, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 na may layunin na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mga isyung may kinalaman sa ilegal na droga at terorismo.
Pinangunahan ni PSSg Mercolito P. Lovendino Jr., Public Information PNCO, ang talakayan hinggil sa seryosong epekto ng ilegal na droga at ang mga panganib na dulot ng terorismo sa ating lipunan.
Ninanais ng hakbang na ito na magbigay kaalaman at mas malalim na kamalayan sa mga kabataan, na siyang mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng impormasyon.
Kanilang ipinaalala ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman bilang panlaban sa mga banta sa ating kaligtasan at seguridad.