Symposium Activity, isinagawa sa Negros Oriental
Nagsagawa ng Symposium Activity ang mga kapulisan mula sa Pamplona Municipal Police Station sa mga kababaihan at residente ng Pamplona, Negros Oriental noong ika-18 ng Nobyembre 2024.
Tinalakay ng tagapagsalita ang tungkol sa sa Anti-Violence Against Women and their Children (VAW-C), Anti-Rape Law, at R.A. 7610.
Layunin ng naturang aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa mga batas na nagbibigay proteksyon sa kababaihan at kabataan laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.
Sa tulong ng Bagong Pilipinas, layunin ng pamahalaan na makamit ang mas mataas na antas ng tiwala mula sa publiko, na siyang pundasyon ng mas matibay at maunlad na bansa.