Clean-Up Drive, isinagawa sa Tanza Cavite
Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang KKDAT Advocacy Support Group na ginanap sa Barangay Julugan ll, Tanza, Cavite nito lamang Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre 2024.
Tulong-tulong na naglinis ang mga kabataan ng naturang barangay at advocacy support group katuwang ang Tanza Municipal Police Station na pinangunahan ni PCMS Annaliza P Flores, CPCAS sa direktang pamumuno ni PLtCoL Willy B Salazar, Chief of Police.
Tinatayang nasa 30 sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta ng grupo sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad ay hikayatin ang mga tao sa komunidad na makipagtulungan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
Nagpapakita lamang ito ng malasakit sa kapwa at ng ating kapaligiran.