Coastal Clean-Up Drive isinagawa sa Aparri, Cagayan



Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Aparri chapter sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan noong ika-23 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga personahe ng Aparri Police Station, Philippine Coast Guard, Barangay Officials, at mga aktibong residente ng nasabing lugar.
Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis, nagpulot ng plastik at iba’t ibang kalat sa tabing dagat.
Layunin ng aktibidad na rotektahan ang mga nabubuhay na lamang dagat at mapanatiling maayos ang kapaligiran sa naturang lugar.
Ito rin ay isang paraan upang maturuan ang mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang komunidad.