KKDAT, nakiisa sa Children Education Development Program

Nakiisa sa iba’t ibang makabuluhang aktibidad ang KKDAT bilang bahagi ng Children Education Development Program at Kasimbayanan Outreach sa Data Elementary School, Sabangan, Mountain Province noong Nobyembre 22, 2024.

Pinangunahan ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) ang programa, katuwang ang iba’t ibang stakeholders mula sa relihiyosong sektor, Sabangan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), mga magulang, at mga guro.

Ang Children Education Development Program ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng KKDAT at komunidad upang maitaguyod ang karapatan, edukasyon, at kapakanan ng mga bata. Pinatibay din nito ang ugnayan ng iba’t ibang sektor upang magsilbing gabay at inspirasyon sa kabataan.

Layunin ng programa na magbigay ng suporta at inspirasyon sa mga mag-aaral, partikular na sa 100 mag-aaral mula sa Data Elementary School at Madepdepas Elementary School. Kasama sa programa ang libreng gupit, basic first aid training, Brigada Pagbasa, at Signature Campaign laban sa CTG’s. Ang tagumpay ng programang ito ay patunay ng diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa layuning maitaguyod ang kinabukasan ng kabataan.

Ang suporta at aktibong partisipasyon ng KKDAT ay magsisilbing inspirasyon para sa mga susunod pang proyekto na nakatuon sa edukasyon at kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *