Livelihood Training, isinagawa sa mga kababaihan sa Sta Fe, Romblon

Matagumpay na isinagawa ang livelihood training na Wellness Massage para sa mga kababaihan ng Brgy. Canyayo, Sta Fe, Romblon nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng TESDA Romblon at Romblon Provincial Training Center katuwang ang Revitalized-Pulis sa Barangay, para bigyang kapangyarihan ang kababaihan ng KALIPI at Cam-lun United Women’s Association.

Ang nasabing pagsasanay ay magbibigay ng mga kasanayan at mahalagang pagkakataon para sa mga kalahok na mapabuti ang kanilang kabuhayan, mga aktibidad sa paggawa ng kita at lumikha ng isang mas magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *