Feeding Program, handog ng Climbs Life and General Insurance Cooperative

Nagsagawa ng feeding program ang Climbs Life and General Insurance Cooperative sa mga nasunugan sa Zone 3, Barangay Patag, Cagayan de Oro City noong ika-25 ng Nobyembre 2024.

Naganap ang nasabing sunog noong ika-24 ng Nobyembre na mahigit 22 pamilya at 110 indibidwal ang nasunugan.

Namigay ng lugaw ang mga naturang grupo na labis namang ikinasaya ng mga biktima ng sunog.

Ang Climbs Life and General Insurance Cooperative ay patuloy na maghahatid ng serbisyo upang matulungan at matugunan ang mga pangangailangang ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *