Force Multiplier, nakiisa sa Community Outreach Program sa Negros Oriental
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Maninihon, Bayawan City, Negros Oriental noong ika-30 ng Nobyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ng 705th Maneuver Company, RMFB 7 sa pamumuno ni Police Colonel Jeffrey Tedio Caballes, Force Commander, katuwang ang Bayawan Municipal Police Station, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joeson B Parallag, Chief of Police.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang feeding program, libreng gupit, pulong-pulong, pamimigay ng flyers, at pagsasanay sa Arnis at Disarming Techniques.
Ang mga serbisyong ito ay nagbigay ng kaalaman, suporta, at malasakit sa mga residente, lalo na sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, naipapakita na ang gobyerno ay seryoso sa pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino.
Ang pagkakaisa sa mga adhikain na ito ay nagiging pundasyon ng isang mas maliwanag at mas maayos na hinaharap para sa lahat.