Kabataan, nakiisa sa Drug Symposium sa Bohol
Nakiisa ang mga kabataan sa Drug Symposium na ginanap sa Malayo Norte Covered Court, Malayo Norte, Cortes, Bohol noong ika-1 ng Disyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ng Cortes Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Marvin Arranguez Chin kasama ang mga tauhan nito.
Tinalakay sa symposium ang mga pangunahing panganib ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan. Ipinaliwanag ng mga tagapagsalita kung paano nagiging sanhi ng adiksyon ang droga na dulot ng pisikal na pangangailangan ng katawan sa epekto nito.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at komunidad, layunin nitong hubugin ang kabataan bilang mga responsableng mamamayan na mag-aambag sa pagbuo ng isang maayos, mapayapa, at ligtas na kinabukasan para sa lahat.