Barangay Assembly Day, isinagawa sa New M’lang, North Cotabato

Isinagawa ang Barangay Assembly Meeting ng Barangay New Kalibo sa M’lang, North Cotabato, noong ika-2 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ng Kawani ng Barangay ang naturang pagpupulong na may temang “Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas” at naging katuwang din ang ibang personahe ng Mlang Municipal Police Station na nagbahagi rin ng mga pangunahing kaalaman.

Ibinida sa pagpupulong ang kampanya laban sa Anti-Illegal Drugs, Pagsasagawa ng Batas; Anti-terrorism; Anti-kriminalidad; Kapayapaan at Kaayusan sa Barangay; at Barangay Drug Clearing and future plans and program.

Ang kaganapang ito ay nagbigay ng isang mahalagang plataporma para sa diyalogo at pakikipag ugnayan sa komunidad, na nagpapatibay sa pangako ng pulisya na itaguyod ang pakikipagtulungan at pagtugon sa mga lokal na alalahanin upang maipatupad ang maayos, maunlad at mapayapang pamayanan tungo sa isang bagong Pilipinas. Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *