Pagsisimula ng Automated Counting Machine (ACM) Nationwide Roadshow ng COMELEC, isinagawa sa Guinzadan National High School
Nakiisa ang mga estudyante ng Guinzadan National Highschool sa paglulunsad ng Automated Counting Machine (ACM) Nationwide Roadshow ng Commission on Election (COMELEC) na isinagawa nito lamang ika-2 ng Disyembre. Pinangunahan ito ni Ms. Marilyn Big-asan ng COMELEC, katuwang ang local na pulisya, mga opisyal ng barangay, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sector ng komunidad.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng COMELEC ang kahalagahan ng ACM sa pagpapabuti ng transparency at maiwasan ang mga pagkakamali sa mano- manong pagbibilang.
Pinahintulutan din ang mga kalahok na subukan ang proseso ng pagboto gamit ang ACM upang higit maunawaan ang user-friendly na interface nito.
Ang mahalagang hakbang na ito ay upang palakasin ang integridad ng proseso ng eleksyon bilang paghahanda para sa 2025 National and Local Elections.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng teknolohiya sa modernong pamamahala.
Ang maagap na pagkilos ng COMELEC-BAUKO ay nagsisilbing halimbawa sa pagbibigay kapangyarihan sa mga botante at pagpapataas ng kredibilidad ng eleksyon sa buong bansa.