Tree Growing Activity at Clean-Up Drive, isinagawa sa Pahamuddin Special Geographic Area
Isinagawa ng Barangay Pigcawayan Development Cluster Alliance ang isang Tree Growing Activity at Clean-Up Drive sa Brgy. Benasing, bayan ng Pahamuddin, Special Geographic Area (SGA) ng BARMM mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2, 2024.
Sa tulong ng Ministry of Trade, Investment, and Tourism, 34th Infantry Battalion ng Philippine Army, RMFB14A ng Police Regional Office BAR, at Blue Mountain Development and Construction Supplies, naging matagumpay ang aktibidad.
Mahigit 1,000 narra trees ang itinanim sa lawak na 11 kilometro sa Community Forest Park at Small Water Impoundment, kasabay ng paglilinis at pagtanggal ng mga water hyacinth sa lawa. Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ang Barangay Pigcawayan Cluster ng bigas sa mga kasapi ng PNP, AFP, at mga volunteers na tumulong.
Nagpakawala rin ng 30,000 tilapia fingerlings sa lawa upang magbigay ng pinagkukunan ng isda para sa komunidad.