Tree Planting Activity isinagawa sa Basilan

Matagumpay na naisagawa ang tree planting activity sa Brgy. Sengal Lamitan City, Basilan noong ika-2 ng Disyembre 2024.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang Student Action Force Lamitan Chapter, Sangguniang kabataan, 53rd SAC-PNP SAF at mga personahe ng 3rd RMFC-RMFB BASULTA.

Layunin ng aktibidad na makatulong upang maging malinis parin ang hanging dumadaloy gayundin para makaiwas sa landslide, pagbaha at para makabawas sa global warming na ating nararanasan.

Patunay na sa ganitong aktibidad ang PNP ay walang sawang nagbibigay ng malasakit sa kalikasan at upang mas mapagtibay ang relasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno tungo sa mas maayos at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *