KKDAT at 4P’s, nakiisa sa talakayan sa Burauen, Leyte

Nakiisa ang mga estudyante at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa makabuluhang talakayan na ginanap sa Brgy. Maghubas Burauen Leyte nito lamang Sabado, ika-7 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Burauen Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major John Rey R Layog, Acting Chief of Police, kasama ang mga Grade 11 Senior High Student ng Burauen Comprehensive National High School at 4P’s ng nasabing barangay.
Tinalakay sa aktibidad ang RA 9165, E.O 70, Crime Prevention Tips, Safety Tips, ELCAC ANTI-TERRORISM LAW, Online Sexual Exploitation of Children (OSEC) at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act or RA 7610.
Sa pamamagitan ng kanilang pakikibahagi, nagiging mas aktibo ang kabataan at mga 4P’s ng barangay sa pagsulong ng kaligtasan at kaayusan sa lugar.