Panunumpa ng bagong halal na KKDAT, isinagawa sa Bohol
Matagumpay na naisakatuparan ang halalan at panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) sa antas-munisipal na ginanap sa Loon Municipal Activity Center, Bohol noong ika-8 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad ay iniyatiba ng Loon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Rey Olar, katuwang ang Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF) sa pangunguna ni Loon SK Chairperson, Hon. Mariel L. Juntilla.
Layunin ng aktibidad ay hikayatin ang kabataan na maging aktibo sa pagsusulong ng kampanya laban sa droga at terorismo.
Bilang kinatawan ng bagong henerasyon, ang mga opisyal ng KKDAT ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng adbokasiya para sa kaligtasan at kapayapaan sa kanilang mga komunidad.
Ang programang ito ay nagsusulong ng mga halaga ng responsibilidad at pagkakaisa, na naaayon sa layunin ng administrasyong Bagong Pilipinas na itaguyod ang disiplina at seguridad ng bawat mamamayan.