Symposium Activity, isinagawa sa Tacloban City

Aktibong nakilahok ang mga estudyante ng North Hill Arbours Integrated School sa isinagawang Symposium Activity na ginanap sa Brgy. 106, Sto. Niño, Tacloban City noong December 5, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone Mark A Cartalla, Company Commander, kasama ang mga guro sa pangunguna ni Mr. Harold M. Naputo, School Head ng nasabing paaralan.

Ang mga paksang tinalakay sa mga kalahok ang Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Human Rights. Layunin ng aktibidad na makiisa ang mga kabataan at mga grupo sa paglaban sa mga lumalaganap na isyu.

Dahil ang parehong paksa ay nagbabanta sa kapayapaan at seguridad, ang pagtuturo sa mga komunidad kung paano kilalanin at tugunan ang mga hamon ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at mahabagin na lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *