60 na estudyante, sumabak sa Moving the Youth Toward Peace and Development 2.0
Sumabak sa Moving the Youth Toward Peace and Development 2.0 ang 60 estudyante ng Tipunan National High School-Monamon Proper Extension sa Monamon Sur, Bauko, Mountain Province nito lamang ika 5-7 ng Disyembre 2024.
Ang tatlong araw na aktibidad ay may temang “Young Leaders, New Horizons: Peace, Development, and Progress”, kung saan ito ay pinasimulan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Bauko Chapter sa inisyatiba ni KKDAT Rowena B. Bagangan katuwang ang mga guro ng nasabing paaralan at mga tauhan Bauko Municipal Police Station, 1st Mt. Province PMFC, Mt. Province Police Provincial Office Headquarters.
Iba’t ibang serye ng aktibidad ang naganap kabilang ang lektura at workshop sa mga paksang epekto ng ipinagbabawal na droga, anti-insurgency, mga tip sa kaligtasan sa kalsada, gabay upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, kamalayan sa mental health, psychological first aid, love language, leadership, values formation, at marami pang iba.
Ang programang ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng mga kabataan, ihanda sa tamang pamumuno sa kinabukasan tungo sa kapayapaan, at kaunlaran sa Bagong Pilipinas.