KKDAT Awareness, isinagawa sa Negros Oriental
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa KKDAT Awareness Campaign na ginanap sa NORSU-Guihulngan Campus sa Sitio Cadre, Barangay Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental noong ika-9 ng Disyembre 2024. Ito ay pinangunahan ng Guihulngan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronnie L Failoga, Chief of Police.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong turuan ang kabataan tungkol sa mga panganib ng droga at terorismo at kung paano sila maaaring maging bahagi ng solusyon sa mga isyung ito.
Ang kampanyang ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng administrasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kung saan ang PNP ay aktibong nakikibahagi upang maisulong ang isang lipunang nagkakaisa at maunlad.
Ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo ay sumasalamin sa pangako ng gobyerno na protektahan ang kinabukasan ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang kaalaman at gabay