Mag-aaral ng SJECS, nakilahok sa Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng San Jose East Central School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness lecture ng mga tauhan ng San Jose City Police Station sa Barangay Sibut, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Lunes , ika-9 ng Disyembre 2024.
Matagumpay ang naging aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Erwin V Ferry, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon.
Naging aktibo ang mga mag-aaral sa naging talakayan patungkol sa RA 7610 at Anti-Illegal Drugs Awareness na may layuning mapataas ang kamalayan patungkol sa masamang epekto nito pati na rin ang pagsasanay sa mga mag-aaral kung paano makaiwas sa anumang uri ng tukso na may kinalaman sa droga.
Ito ay sumusuporta sa mga layunin ng administrasyon ni pangulong Bongbong Marcos, na nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan at pagpapabuti ng kalidad na edukasyon, pagtutok sa moralidad, espiritwalidad at kaligtasan ng mga mag-aaral na magtaguyod ng isang makatao at progresibong lipunan.