Gift Giving, isinagawa sa Home for Abandoned Elderlies, Bulacan
Nagkaisa ang mga miyembro Force Multiplier at kapulisan ng Bulacan sa isinagawang gift giving activity para sa mga matatanda sa Home for Abandoned Elderlies, Dela Costa Homes, Brgy. Graceville, City of San Jose Del Monte Bulacan.
Naisakatuparan ang programa sa pagtutulungan ng San Jose Del Monte City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Edilmar G Alviar, Acting Chief of Police at ang Tracker Force Multiplier Inc. Bulacan Chapter.
Nagbigay ang nasabing grupo sa bawat matatanda ng mga regalo na lubos na ipinagpapasalamat at ikinatuwa ng mga ito. Layunin ng aktibidad na maipadama ang malasakit sa mga nakatatanda at maipakita na mahalaga at hindi nakakalimutan, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Isang patunay na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na nagsusulong ng mga programa at aktibidad para sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na para sa mga nakatatanda na lubos na nangangailangan ng tulong.