KKDAT Lecture, isinagawa ng Nueva Ecija 2nd PMFC
Nagsagawa ang 2nd Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Lecture sa mga mag-aaral ng Bonifacio Elementary School, Cuyapo, Nueva Ecija nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng 2nd Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni Police Corporal Mark Anthony Adarna, Squad Member sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Warly Calingayan Bitog, Force Commander.
Tinalakay ng mga tagapagsalita ang paksa ukol sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), RA 11313 Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) at Anti-Vaping/Smoking Campaign upang magsilbing gabay para sa mga kabataan sa pagpapalakas ng kanilang mga pananaw at pagpapahalaga sa tamang pag-uugali, pag-iwas sa bisyo, at pagprotekta sa kanilang sarili laban sa mga negatibong impluwensya.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo at pagbigay ng kaalaman kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.