BPATs Barlig, sumailalim sa Skills Enhancement Training

Sumailalim sa pagsasanay ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) ng Barlig sa Municipal Function Hall, Gawana, Barlig, Mountain Province noong Disyembre 17, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Barlig katuwang ang Barlig Municipal Police Station, 2nd Platoon ng 2nd PMFC sa Sitio Mauwey, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD).
Tinalakay sa pagsasanay ang mga tungkulin ng BPATs, pamamahala sa trapiko, pangangalaga sa lugar ng krimen, at mga alituntunin ng citizen’s arrest.
Isinagawa rin ang pagsasanay sa pag-aresto, self-defense, at basic first aid. Sa ikalawang bahagi ng aktibidad, tinalakay ang gawain at plano ng BADAC, mga batas kontra droga (RA 9165), programa sa barangay drug clearing, at community-based rehabilitation program mula sa Department of Health (DOH).
Ang aktibidad ay naging matagumpay sa tulong ng mga ahensyang lokal at pambansa para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

