Pamaskong Handog Outreach Program, idinaos sa Makilala, North Cotabato

Nagsama-sama ang mga Ateng at Kuyang Security Guard sa pagsagawa ng outreach program Year-end gift giving para sa mga Garsika’s Children sa Brgy. Garsika, Makilala, North Cotabato noong ika-16 ng Disyembre 2024.

Layunin ng programa na magbigay ng pag-asa, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa, at magdala ng mensahe ng liwanag at pagmamahal ngayong Kapaskuhan, matagumpay na naisakatuparan ang programa sa tulong ng mga tauhan ng Dolefil Stanfilco katuwang ang Makilala Municipal Police Station.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagdekorasyon ang grupo ang mga bahay upang salubungin ang masayang panahon ng Pasko. Namahagi rin ng mga tsokolate sa mga masayang bata, na nagdulot ng kagalakan sa buong komunidad.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isinagawang outreach program sa kanilang barangay.

Ang ganitong mga programa ay nagbibigay ng malaking tulong at inspirasyon sa buong komunidad, at umaasa na masundan pa ito ng iba pang mga proyekto sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *