4th qQuarter Municipal Peace and Order Council Meeting, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na naisagawa ang 4th Quarter Municipal Peace and Order Council (MPOC) Meeting sa Barangay Tumbao, Maguindanao del Sur noong ika-19, 2024.

Ito ay pinangunahan ni Hon. Freddie G. Mangudatu kasama ang AFP, COMELEC, MLGO, MBHTE at mga personahe ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, upang talakayin at suriin ang mga isyung pangkapayapaan, kaayusan, at seguridad sa antas ng munisipyo, partikular para sa huling quarter ng taon.

Layunin ng naturang pagpupulong na tiyakin n ang bawat hakbangin at polisiya ay tumutugon sa pangangailangan ng komunidad at nakapokus sa pagpapabuti ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *