Kampanya para sa pag-iwas sa paggamit ng iligal na droga, isinagawa sa Zamboanga Sibugay

Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa sa Brgy. Guminta, Buug, Zamboanga Sibugay noong ika-21 ng Disyembre 2024, bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Buug Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Armil A. Obinque, Officer-In-Charge, katuwang ang mga opisyal ng barangay at iba pang miyembro ng komunidad.

Ang aktibidad ay naglalayong hikayatin ang mga residente, lalo na ang kabataan, na maging bahagi ng solusyon sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pagkilos.

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ay mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, inaasahang mas marami pang barangay ang magiging aktibo sa pagsuporta sa kampanya laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *