Mga Kabataan nakiisa sa “School in a Boat Project” sa Lanao del Norte
Nakiisa ang mga kabataan sa isinagawang “School in a Boat Project” sa Barangay Poblacion, Tubod, Lanao del Norte nito lamang ika-22 ng Disyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Joel Mutia Esic, Station Chief ng Lanao del Norte Maritime Police Station na dinaluhan ng mahigit 20 kabataan.
Nagsagawa ng lecture sa Out School Youth sa pangunguna ni Pat Jennelyn P Henodiala, Pat Bobby Jones S Cobillo, Pat Julius Ian Ymbol at Pat Marjun Ansog na nagsilbing lecturers ng basic Mathematics at GMRC bilang bahagi ng educational activity.
Layon ng aktibidad nag magbigay ng malaking kontribusyon sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan at nagbibigay ng kinakailangang suporta sa edukasyon para sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa komunidad.