School of Hope Christmas Party and Gift-Giving Activity, naging masayang pagtitipon para sa mga iskolar ng Davao City PNP
Nag-iwan ng masaya at makulay na alaala ang pagtitipon ng 60 iskolar mula sa Davao City Police Office sa kanilang pagdiriwang ng School of Hope Christmas Party at Gift-Giving Activity na isinagawa noong ika-21 ng Disyembre 2024.
Ang kaganapang ito, na pinangunahan ng Davao City Police Station, isang pagdiriwang ng pagbibigayan at samahan, na isinusuong sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan ng EMAR Human and Environmental College. Pangunahing tampok sa aktibidad ang mga parlor games na nagbigay saya at aliw sa mga kabataan, pati na rin ang sing and dance contest na naging isang paligsahan ng mga talento at pagpapakita ng saya sa pamamagitan ng musika at sayaw.
Sa ganitong paraan, mas pinayaman ang kasiyahan ng mga kabataan at nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na magpakita ng kanilang mga natatanging kakayahan.
Kasunod ng mga kasiyahang ito, isinagawa ang pamamahagi ng mga packed meals, snacks, loot bags, at mga stuffed toys sa mga kabataan at pamilya bilang bahagi ng Christmas gift-giving activity.
Ang mga donasyong ito ay mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Davao, PS1-Sta Ana Advisory Council, Mrs. Eva Corcino, YMCA, at E&JJ American Surplus, na walang sawang sumusuporta sa mga proyekto ng kapulisan para sa kapakanan ng komunidad.
Sa pangakong patuloy na magtutulungan, muling pinatunayan ng aktibidad na ang bawat hakbang na ginagawa ng Davao City PNP ay may layuning maghatid ng kaligayahan, seguridad, at mas maliwanag na hinaharap para sa mga susunod na henerasyon.