“Peace Advocates” nakiisa sa Indignation Rally sa Surallah, South Cotabato
Nakiisa ang mga “Peace Advocates” mula sa iba’t ibang sektor sa isinagawang indignation rally para tutulan ang karahasan, panlilinlang at masasamang Gawain ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) nito lamang ika-30 ng Disyembre 2024 sa Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato.



Ang rally ay isinagawa alinsunod sa nasyunal na programa para wakasan ang Lokal na Communist Armed Conflict sa bansa sa pamamagitan ng isang peace covenant na may temang Sulong Para sa Kapayapaan: ‘Walang Magmamahal sa Pilipinas kundi tayong mga Pilipino, Walang Magmamalasakit sa Pilipino kundi Kapwa Pilipino’’.
Kabilang sa mga ginanap na aktibidad ang Peace Rally, at Peace Walk. Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Police Lieutenant Colonel Lemuel Josef J Clarete kasama ang mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station, Faith Based Advocacy Group Representative, KABALIKAT Radio Com Surallah Chapter, ACCERT Surallah Chapter, at CISSG-PNP-PCADG South Cotabato Chapter, Nagpahayag ang mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang sektor ng kanilang karanasan at suporta para sa ELCAC at sa misyon nito na wakasan ang komunistang insurhensya sa bansa at ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran na inaasam asam ng bawat Pilipino lalo na sa mga apektadong lugar ng insurhensya.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga organizers sa lahat ng nakilahok at nangakong ipagpapatuloy ang kanilang adbokasiya hanggang sa matapos ang communist insurgency, at makamit ang kapayapaan at kaunlaran para sa lahat ng Pilipino.