BIDA Program, tinalakay sa DavSur
Tinalakay at personal na binisita ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) ang isang tahanan sa Barangay Maibo, Magsaysay, Davao del Sur upang talakayin ang BIDA “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” program nito lamang ika-31 ng Disyembre, 2024.
Ang pagbisita na ito ay isang mahalagang hakbang upang mapalawig ang kaalaman at kamalayan ng mga residente ng nasabing barangay, partikular na ang mga kabataan, hinggil sa mga epekto ng pang-aabuso sa droga at adiksyon.
Nagpapakita ito ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na magbigay ng direktang edukasyon sa mga tao sa mga komunidad lalo na sa mga itinuturing na Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) na kadalasang nahihirapan makakuha ng impormasyon at serbisyo mula sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno.