Feeding Program, isinagawa sa Sarangani Province
Nagsagawa ng isang makulay na feeding activity ang Force Multipliers Glan Multi-Purpose Cooperative, katuwang ang Maritime Police Station sa Datu Wata Street, Barangay Poblacion, Glan, Sarangani Province nito lamang ika- 31 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng 43 batang residente ng nasabing barangay. Layunin ng feeding program ay hindi lamang matugunan ang pangangailangan ng mga bata sa pagkain, kundi iparamdam din ang malasakit at kabutihang loob ng komunidad.
Ang mga ganitong inisyatibo ay nagpapatunay na sa bawat maliit na hakbang, maaari nating baguhin ang buhay ng iba at magbigay ng positibong epekto sa komunidad.