Force Multiplier , nakipagtulungan sa paghahatid ng 5,000 Food Packs sa Negros Oriental

Aktibong nakipagtulungan ang mga miyembro ng Force Multiplier sa paghahatid ng Food Packs sa Canlaon City, Negros Oriental, noong ika-29 ng Disyembre 2024.
Kasama ang mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Lirio C Coral, Officer In Charge, Canlaon City Police Station, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Sonny LB Silva, Chief of Police, RSSF NOPPO, 64th Special Action Company ng PNP SAF, 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, at mga miyembro ng TAU GAMMA PHI.
Ang mga food packs na ito, na nagmula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), simbolo ng serbisyong nagkakaisa na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng mga hamon sa buhay.
Ang gawaing ito ay patunay na ang Bagong Pilipinas ay hindi lamang isang pangarap, kundi isang layunin na isinasabuhay sa bawat hakbang at kilos ng ating mga lingkod-bayan.
Sa pagkakaisang ipinakita ng PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard, at mga volunteer organizations, nabibigyang pag-asa ang mga Pilipino na ang gobyerno at mga ahensiya nito ay handang tumugon at magmalasakit para sa kapakanan ng bawat isa.