KKDAT Lapi Chapter matagumpay na naisagawa ang Outreach Program sa Penablanca, Cagayan.

Matagumpay na naisagawa ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pangunguna ni Ginoong William Furigay, Municipal KKDAT President/ Sanggunian Kabataan ng Brgy. Lapi kasama ang Brgy. Based Advocacy Group ang Community Outreach program na ginanap sa Brgy. Lapi, Penablanca, Cagayan noong ika-30 ng Disyembre taong kasalukuyan.

Aktibong nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Penablanca Police Station sa pangunguna ni PSSg Ma. Elena Carodan, MCAD PNCO. Kasama sa aktibidad ang pagbibigay ng meryenda, pagkain, at mga gamit sa paaralan kung saan Animnapu’t Lima (65) na bata ang nakinabang sa nasabing aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa mga plano at programa ng EO70 NTF ELCAC, isang buong diskarte ng gobyerno na naglalayong maghatid ng mga pangunahing serbisyo, lalo na sa mga mahihinang komunidad upang wakasan ang insurhensya sa lugar. Patuloy ang KKDAT at Brgy. Based Advocacy Group sa pagtataguyod ng mga programa ng pamahalaan at pakikipagtulungan sa kapulisan tungo sa isang maayos at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *